Saturday, October 19, 2013

Solitude

I am alone.
But I am not lonely.
I am in peace.
I can hear silence.
Though not deafening.
I am looking.
Just looking at the horizon.
The air is still.
I am in peace.

Thursday, October 17, 2013

#Firstworldproblems

Bakit hindi ka crush ng crush mo?
Bakit hindi mo din crush ang may crush sa 'yo?
Bakit pag may hinahanap ka, hindi mo ito makita.
Pero pag di mo sya kailangan, lilitaw ito bigla?
Bakit pag maaga kang magigising, walang trapik sa daan.
Pero pag tinanghali ka naman, mga sasakyan'y gitgitan?
Bakit isang araw, "keep the change" ang drama mo?
Pero kinabukasan, tinitipon mo na lahat ng singko?
Bakit pag nag aabang ng jeep, di dumadaan 'yong gusto mong sakyan?
Pero pag ibang jeep ang hinahanap, sampung sunod-sunod nag lilitawan? 
Bakit si manong, pag 'di ka nag mamadali, daig pa ang F1 pag magpatakbo?
Pero yung isang minuto na lang at late ka na, tatambay muna sa kanto?
Naaalala mo ba nung nag-aaral ka pa?Ang sarap ng tagay mo sa gabi.
Kinabukasan masakit ang ulo pero may exam pala ang leche.
Pero bakit noong nag sunog ka ng kilay magdamagan,
kinaumagaha'y absent si Ma'am, bigla daw may pinuntahan.
At saka eto pa, bakit ka nag babayad ng tax na halos kalahati na ng sweldo?
Pero hindi mo naman nararamdaman 'yong asenso.
Bakit?I don't get it.