Tuesday, July 23, 2013

Titser

Ako si Maris....

Siyam na taong gulang

Papunta na 'kong iskul
Nasa ikatlong baitang.


Pagpasok ko sa geyt, 

tanaw na ang klasrum ko

Ang aliwalas naman ng panahon,
sana palaging ganito

Muntik tumilapon at madapa,
lakad sa lubak-lubak na daan.
Pero okey lang din, 'di bale,
si titser, ako nama'y tinulungan.

Pagdating ko sa klasrum,
Ipinasa ang aking takdang-aralin.
Ang maganda kong titser, 
di lang ako pinuri, ngumiti pa sa akin.

"Mam, ano po 'yong ganito, ganyan?"
Walang patumpik-tumpik at sya'y sumagot,
ipinaliwanag ng mabuti sa akin,
walang dahilan upang sumimangot.

And maliit naming silid, medyo mainit.
Paypay tuloy ako nang paypay.
Pero okey lang, 'di bale,
sabi ni titser, 'di yan hadlang sa tagumpay.

Ang araw malapit nang lumubog,
uwian na sa isang saglit.
Buong araw akong masaya,
'di ko din alam kung bakit.

Tumingin ako sa paligid,
mukha ko pa rin ay maaliwalas.
Iskul ay hindi kumpleto, pero okey lang, 'di bale,
nariyan pa rin naman si titser bukas.


No comments:

Post a Comment